Gary granada - Dagat

Namamaybay ang tubig sa paypay ng hanging habagat
Dumadampi sa umaasang pisngi ng tabingdagat

Dagat na pagitan ng ating pag-ibig
Singlawak singlayo't singlalim
Ngunit sa isang panig dagat ang nagsasanib ng dalampasigan mo sa akin


Namamangka ang aking diwa sa nakalipas
Tumatawid sa ibayong daigdig ng ating bukas

Sa dagat ng pangako sa laot ng pangarap sa alon ng iyong mga halik
Dagat din ng luha ng pusong naghihirap naghihintay sa iyong pagbabalik

Sa dagat ng pangako sa laot ng pangarap sa alon ng iyong mga halik
Dagat din ng luha ng pusong naghihirap naghihintay sa iyong pagbabalik

Writers:

Lyrics ©

Lyrics licensed by LyricFind