Bayang barrios - Iisa
Overige artiesten: Gary granada

Minsa'y nasanay na ng nasanay
Sa konting kunswelong aliw
Sa dinarami raming pasikut sikot ng buhay
Napakadaling mabaliw
Kung ikaw ay nanlalamig
Ako ay nakikinig at nakakaintindi
At sa hibang na daigdig
May'ron kang kakampi

Ang pangarap mo'y pangarap ko
Ang pasanin mo'y pasanin ko
Ang damdamin mo'y damdamin ko sinta
Kalayaan mo'y kalayaan ko
Digmaan mo'y digmaan ko
Buhay mo at buhay ko'y iisa


At kung ang karamihan ng buhay
Pakikipagsapalaran
Nakataya ang pag-ibig kong tunay
Sa lahat ng labanan
Kahit anong daratnan
Hindi pagsisihan ako ay naririto
Sa kaduluduluhan
Handang sumama sayo oh

Ang pangarap mo'y pangarap ko
Ang pasanin mo'y pasanin ko
Ang damdamin mo'y damdamin ko sinta
Ang kalayaan mo'y kalayaan ko
Ang digmaan mo'y digmaan ko
Buhay mo at buhay ko'y iisa

Ang pangarap mo'y pangarap ko
Ang pasanin mo'y pasanin ko
Ang damdamin mo'y damdamin ko sinta
Ang kalayaan mo'y kalayaan ko
Ang digmaan mo'y digmaan ko
Buhay mo at buhay ko'y iisa
Buhay mo at buhay ko'y iisa

Writers:

Lyrics ©

Lyrics licensed by LyricFind