Gary granada - Pinaasa mo ang puso ko

Pinaasa mo ang puso ko
Binigyan mo ng pakpak
At ako'y nangarap nang husto
Nilipad hanggang ulap

Pinaikot mo'ng aking mundo
At bundok ay nilakbay
Sa akalang ating pagsuyo
Sa tuktok naghihintay
At ako ay halos mamatay-matay

Pinaasa mo ang puso ko
Pinaikot mo'ng aking mundo
Nang wala naman palang mapapala (mapapala)
Pinaasa mo lang ang puso ko sa wala

Pinaasa mo ang puso ko
Binigyan mo ng sagwan
At sa laot na mapanukso
Sa ilalim ng 'yong buwan (sa ilalim ng 'yong buwan)

Pinaikot mo'ng aking mundo
Hanggang ang aking bangka
Natigatig at nangabubo
Tumaob tumihaya
At nalunod na pati kaluluwa


Pinaasa mo ang puso ko
Pinaikot mo'ng aking mundo
Nang wala naman palang mapapala (mapapala)
Pinaasa mo lang ang puso ko

'Di ka na naawa
'Di ka na nahabag
'Di na rin nagsawa
Puso kong bulag
'Di malaman kung matapang o duwag

Pinaasa mo'ng aking dibdib
Binigyan mo na sulo
At tinahak ko ang 'yong yungib
Sa isipan kong hubo

Pinaikot mo'ng aking daigdig
At mundo ko'y gumalaw
Upang sa masukal mong liblib
Do'n pala ililigaw
At wala naman palang ako't ikaw

Pinaasa mo ang puso ko
Pinaikot mo'ng aking mundo
Nang wala naman palang mapapala (mapapala)
Pinaasa mo lang ang puso ko sa wala sa wala
Pinaasa mo lang ang puso ko sa wala

Writers:

Lyrics ©

Lyrics licensed by LyricFind