Gary granada - Pampalipas ng sama ng loob

Minsan di mo maiwasan
Ang paminsan-minsang lumuha
Minsan di mo matakasan
Ang hapding nadarama
Ako ang bayani ng mga bigo
Di nagtatampo di nag lalaro
Di naninibugho (di naninibugho)

Ako'y walang puso at damdamin (di kailangang malaman mo pa)
Nakahanda na maglingkod
Kahit tingin mo pa sa akin (pansamantala)
Pampalipas ng sama ng loob

Ako'y kathang isip lamang
Na di mo dapat seryusohin
Palamuti na halaman
Di kailangan diligin
Hangang makatagpo ka ng iba
Hwag mag alala kung liligaya ka
Ako ay masaya


Ako'y walang puso at damdamin (di kailangang malaman mo pa)
Nakahanda na maglingkod
Kahit tingin mo pa sa akin (pansamantala)
Pampalipas ng sama ng loob

Pwede mong iwan pwede mo ring balikan

Ako'y walang puso at damdamin (di kailangang malaman mo pa)
Nakahanda na maglingkod
Kahit tingin mo pa sa akin (pansamantala)
Pampalipas ng sama ng loob

Pwede mong iwan pwede mo ring balikan

Writers:

Lyrics ©

Lyrics licensed by LyricFind