Gary granada - Si ka bayani

Si katamaran ay ayaw nang gumalaw
Si kaduwagan ay ayaw nang sumigaw
Si kalokohan ay ayaw nang tumino
Si Ka Bayani di ganyan o bayan ko

Si kasipagan ang kanyang kanang kamay
Si katapangan ang lakas niyang taglay
Si kabutihan sa kanya'y nararapat
Si Ka Bayani ang tularan ng lahat

Kayang-kaya kaya ni Ka Bayani
Kayang-kayang-kaya ni Ka Bayani
Kahit saan kahit sino
Kahit kailan kahit paano
Kayang-kayang-kaya ni Ka bayani


Sa kabiyak niya ay lubos na matapat
Sa kapamilya'y katuwang sa pag-angat
Sa kababayan ay sanhi ng tagumpay
Si Ka Bayani ay sadyang walang kapantay

Kayang-kaya kaya ni Ka Bayani
Kayang-kayang-kaya ni Ka bayani
Kahit saan kahit sino
Kahit kailan kahit paano
Kayang-kayang-kaya ni Ka bayani

Kahit ipit ay lulusot
Kahit lugmok ay aahon
Kahit bagsak ay tatayo at kung mali magbabago
Kahit kulang ay pupunan kahit api ay lalaban
Kahit walang walang wala ay gagawa ng paraan

Kayang-kaya kaya ni Ka Bayani
Kayang-kayang-kaya ni Ka Bayani
Kahit saan kahit sino
Kahit kailan kahit paano
Kayang-kayang-kaya ni Ka bayani
Kahit saan kahit sino
Kahit kailan kahit paano
Kayang-kayang-kaya ni Ka bayani

Writers:

Lyrics ©

Lyrics licensed by LyricFind