Gary granada - Sana'y di ka masanay

Minsan akoy sa isang lungsod napadako
Salat sa tubig ilaw at trabaho
Ngunit sagana sa usok at basura
Mga naninirahan sa bangketa
Ang kwento nila sa akin
Buhay ay lumalala
Ngunit naka ngiti pa rin
Sa tuwing bumabaha
Sana'y di ka masanay
Sana'y di ka masanay
Sa ganyang klaseng buhay

Minsa'y isang tulad kong musikero
Kagaya ng karaniwang tao
Naghahangad ng isang simpleng buhay
Ngunit walang awa nilang pinatay
Ang kwento nila sa akin
Marami raw ang nanuod
Ngunit upang pigilin
Walang nag lakas loob
Sana'y di ka masanay
Sana'y di ka masanay
Sa ganyang klaseng buhay


Minsan ako'y nasa isang pamantasan
Mga mag aaral ang nagkukwentuhan
Ang lalim ng paksang pinag uusapan
Kung paano bang mabilis yamaman
Kay raming nangangailangan sa sarili mong bansa
Ngunit ang karamihan ang isip ay banyaga
Sana'y di ka masanay
Sana'y di ka masanay
Sa ganyang klaseng buhay

Wag na wag kang masanay
Wag tayong pasasanay
Wag na wag na wag na wag na wag na wag na wag nawa
Huwag na huwag kang masanay
Huwag tayong pasasanay
Sa ganyang klaseng buhay

Writers:

Lyrics ©

Lyrics licensed by LyricFind