Gary granada - Address

Kung ika'y may reklamo sa ating mga batas
Na hindi makatao at ang turing di patas
Huwag kang mag-atubili na sumulat sa Congress
Tiyakin mo lang hane na tama ang iyong address

Ang address ng Kongreso ay hindi sa Batasan
Kung gusto nyong diretso ang inyong mga liham
To our brilliant lawmakers corporation ng angkan
Care of chamber of commerce Makati Philippines 2000

Kung iba'ng ginagawa at iba'ng sinasabi
Ni Commissioner Ngawa at ni Press Secretary
Kaagad ipaalam sa ating Presidente
Basta kumpletuhin lang ang isulat sa sobre

Ang address ng Pangulo ay hindi Malacañang
Kung gusto niyong diretso ang inyong mga liham
To the leader of the land care of imf-World Bank
UN Corner Nagtahan Manila Philippines 2000


Kung mayaman na tao at kilalang kriminal
Ay ginagawang santo tinuturing na banal
Sa korte sumulat ka ngunit konting ingat lang
Baka mauna ka pa kaysa doon sa iyong liham

Ang address ng husgado pareho lang sa simbahan
Kung gusto nyong diretso ang inyong mga liham
To the holy trinity praise da Lord thy will be done
Camp Crame Quezon City zip code Philippines 2000

Bago tayo magwakas may extrang public service
Sila na ang nagbubukas ng sulat sa post office
Ugaliing mag-zipcode singbilis ng time machine
Pebrero nang ihulog Enero nang dumating

Ito ay katuwaan lang katuwaang totoo
Kung iniisip nyo pang umasa sa gobyerno
Basta't ang mahalaga'y huwag tularan si Isko
Habang nasusunog ang bahay sumulat sa bombero

Writers:

Lyrics ©

Lyrics licensed by LyricFind