Gary granada - Huwag kang mangako ng kailanpaman

Huwag kang mangako ng kailanpaman
At baka 'di ko mapapantayan
Huwag kang mangako ng habangbuhay
At baka di mo ako mahintay

Huwag kang mangusap ng kailanpaman
Kahit magdusa't daigdig ma'y pasan
Di kailangang matinik na landas
Upang patunayang pagsuyo'y wagas

Sana nga bukas tulad ngayon
Ang ating pagsasama
Sana paglipas ng panahon
Di ka mag-iiba


Ngunit
Wag mong sabihin ang kailanmanpaman
Tama na sa 'king ibigin minsan
Wag mong sabihin gano katagal
Tama nang gano mo ko kamahal

Sana nga bukas tulad ngayon
Ang ating pagsasama
Sana paglipas ng panahon
Di ka magiiba

Ngunit
Huwag kang mangako ng kailanpaman
At baka di ko matutumbasan
At kung ang ating landas mag sanga
Malayang damdamin ang magpapasya

Writers:

Lyrics ©

Lyrics licensed by LyricFind