Janno gibbs - Sana dalawa ang puso ko

Parang kailan lang buhay ko'y walang gulo
May minamahal at minamahal ako
Nang makilala ka buhay ko'y biglang nagbago
Ako'y nagtataka puso ko'y litung-lito

Bakit nga kaya iisa ang puso natin
Hindi naman natin maaring hatiin

Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo
Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo

Para bang tukso na 'di ko kayang matalo
Isip ko'y lito walang mapili sa inyo
Sabi nga nila 'di maaring magpantay
Pag-ibig sa dal'wa kaya tanong ko lagi ay

Bakit nga kaya iisa ang puso natin
Hindi naman natin maaring hatiin


Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo
Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo

Ngunit kung isa sa inyo'y mawala
'Di makakaya ang hirap na madarama
Kahit alam ko na darating din ang araw
Na pipili ako kung siya na nga o kung ikaw

Sana dalawa ang puso ko (dalawa ang puso ko)
Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo (di na kailangang pumili pa sa inyo)
Sana dalawa ang puso ko (oh sana)
Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo (oh)

Sana dalawa ang puso ko (sana)
Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo (di na kailangang pumili pa sa inyo)
Sana dalawa ang puso ko (oh)
Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo

Sana oh sana oh sana dalawa ang puso ko oh hmm

Writers:

Lyrics ©

Lyrics licensed by LyricFind