Janno gibbs - Batang-bata ka pa

Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang

Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman
Buhay ay di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam
Makinig ka na lang
Makinig ka na lang oh

Ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasabihan
Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman
Makinig ka sa aking payo pagkat musmos ka lamang
At malaman ng maaga ang wasto sa kamalian hmm oh


Batang-bata ako nalalaman ko 'to
Inaamin ko rin na kulang ang aking nalalaman
At nauunawaan
Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan
Alam ko na may karapatan
Ang bawat nilalang
Kahit bata pa man
Kahit bata pa man

Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
Sariling pagdaranas ang aking pamamagitan
Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya sa katangi-tanging bata

Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat ng kailangan mong malaman
Sariling pagdaranas ang aking pamamagitan
Batang-bata ka pa at marami ka pang (batang-bata ako)
Kailangang malaman at intindihin sa mundo (la la)
La la la la
Hmm oh (oh)

Writers:

Lyrics ©

Lyrics licensed by LyricFind