Faithmusic manila - Biyayang ganap

Narito na naman ako
Nang dahil sa biyaya mo
Bukas kong puso at kamay
Sa'yo ako'y naghihintay

Sapagkat alam kong ikaw ay tapat
Sapagkat alam kong biyaya mo'y sapat

Panginoon
Ang pag-ibig mo'y higit pa sa lahat
Inako mo ang sakit pait at buhay na kay hirap
Sa krus naipako ang batas
Pagpapatawad mo'y dumaloy nang wagas
Salamat

Dumudulog sa trono mo
Sa panahon ng pangangailangan
Pinalapit ng iyong dugo
Humugas ng aking kasalan


Sapagkat ikaw lang ang aking katuwiran
Natanggap ang lahat sa iyong pangalan

Panginoon
Ang pag-ibig no'y higit pa sa lahat
Inako mo ang sakit pait at buhay na kay hirap
Sa krus naipako ang batas
Pagpapatawad mo'y dumaloy nang wagas

Sa kapayapaan
Sa iyong kagalingan
Sa kasaganahan
Sa buhay na walang hanggan

Panginoon (salamat)
Ang pag-ibig mo'y higit pa sa lahat (salamat)
Inako mo ang sakit pait at buhay na kay hirap (Hesus salamat)
Panginoon
Ang pag-ibig mo'y higit pa sa lahat
Inako mo ang sakit pait at buhay na kay hirap
Sa krus naipako ang batas
Pagpapatawad mo'y dumaloy nang wagas

Salamat salamat Hesus salamat
Sa biyaya mong ganap

Lyrics licensed by LyricFind