Clien - Kung ako
Overige artiesten: Allmo$t Crakky Mc einstein Mckvicous

Hindi mo ba napapansin kanina pa ako sayo nakatitig
Sa mga mata mong singkit napatulala ako at nabighani
Sa dami dami pwede pang mapili
Ikaw lang talaga ang gustong makapiling
Kaya baby wag ka nang mag sinungaling
Feel ko kasi balang araw sakin ka aamin

Hanggang kailan kaya ako mag hihintay sa’yo
Aminin mo kasi para lahat malaman ko
Kung sakaling maging tayo lahat ay gagawin ko
Kaya wag kang mag-alala ako na ang bahaka sa’yo

Makakasigurado kang hindi ka talo
Kung ako ‘man ang piliin mo
At ‘di na ako aalis pangako
Kung ako ang pipiliin mo

Baby hola hola
Masyadong halata na
Matagal na kitang gusto makasama
Kapag naglalakad ngiti agad
Ano na yang my god
Napakagandang dilag
Kaya laging sinasabe ko sa’yo
Balang araw ay mapapasakin ka
Sabihin ‘man nila na malabo ‘di ako kabado
Alam ko na aamin ka


Inaantay ko lang ang araw na tayo ng dalawa
Alam ko na sasama ka ayaw mo lang pahalata
Baby ako ang para sa’yo ikaw ang akin
Alam ang kasagutan kahit ayaw mo umamin
Libre and palasyo ko pwede mo ‘ko dalawin
Basta pagkatapos titira ka na sa amin

Makakasigurado kang hindi ka talo
Kung ako ‘man ang piliin mo
At ‘di na ako aalis pangako
Kung ako ang pipiliin mo

Dito ka lang tumigin ako nalang kasi yung lingunin
‘Di lang ako sa una magaling
Na magpapakilig tapos mawawala ng bigla
Pupunta na sa iba at pag nanawa ay parang ‘di ka na kilala
Ilan na ba yung dumaan sayong nanakit
Pabayaan na kasi meron ka ang pamalit
Nandito lang ako hindi ako nagbibiro
Kasi alam ko rin yung pakiramdam masaktan at umiwing bigo
Sana naman ay ‘di ka na magkamaling pumili
Kasi kapag nangyari yun ikaw ay mag sisisi
‘Di kita pinipilit ha wag ka ng mairita
Gusto ko lang naman kasing ikaw ay maging masaya
Kung sino man saamin ang maswerte
Tumanggap ng oo mo nako ay pag-isipan mong maigi
Kasi panalo ka kapag ako
Walang sakit sa ulo at tiyak akong ikaw ay

Makakasigurado kang hindi ka talo
Kung ako ‘man ang piliin mo
At ‘di na ako aalis pangako
Kung ako ang pipiliin mo

Makakasigurado kang hindi ka talo
Kung ako ‘man ang piliin mo
At ‘di na ako aalis pangako
Kung ako ang pipiliin mo

Writers:

Lyrics ©

Lyrics licensed by LyricFind