Ogie alcasid - Kasama kang tumanda

Itong awiting ito ay alay sa 'yo
Sintunado man 'tong mga pangako sa 'yo
Ang gusto ko lamang kasama kang tumanda

Patatawanin kita 'pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita 'pag may rayuma ka na
O kay sarap isipin kasama kang tumanda

Ibibili ng balot 'pag mahina na'ng tuhod
Ikukuha ng gamot 'pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin kasama kang tumanda oh

Sasamahan kahit kailanman
Mahigit kumulang 'di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one


Magmukha mang bruha paggising sa umaga
Pupunasan ko pa ang muta mo sa mata
O kay sarap isipin kasama kang tumanda

Ipaglalaba pa kita matapos mamalantsa
Kahit abot-abutin man ako ng pasma
O kay sarap isipin kasama kang tumanda oh

Sasamahan kahit kailanman
Mahigit kumulang 'di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one
Loves na loves pa rin kita kahit bungi-bungi ka na
Para akin ikaw pa rin ang pinakamaganda
O kay sarap isipin kasama kang tumanda

At nangangako sa 'yo
'Pag sinagot mong oo
Iaalay sa 'yo buong puso ko
Sumang-ayon ka lamang
Kasama kang tumanda

Writers:

Lyrics ©

Lyrics licensed by LyricFind