Ogie alcasid - Langis at tubig

Tubig at langis ang katayuan nati’y yan ang kawangis
Pilitin mang magsama’y may mahahapis
Ganyang-ganyan tayong dalawa
Ang panuntunana’y magkaiba

Langis at tubig ‘di mapagsama ng tunay mang pag-ibig
Hinanakit ang s’yang laging mananaig
Mahal na mahal man kita
May mahal ka namang iba

Tubig at langis
Idarang man sa init ‘di rin tatamis
Dahil ang halo’y luha’t paghihinagpis
Ang kirot ay di maalis kung labis


Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa ‘ting daigdig
May dasal ba akong hindi n’ya narinig
Papel natin sa pag-ibig
Ako’y langis ika’y tubig
Oh

Tubig at langis
Idarang man sa init ‘di rin tatamis
Dahil ang halo’y luha’t paghihinagpis
Ang kirot ay di maalis kung labis

Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa ‘ting daigdig
May dasal ba akong hindi n’ya narinig
Papel natin sa pag-ibig
Ako’y langis ika’y tubig

Ako’y langis ika’y tubig

Lyrics licensed by LyricFind