Catherine lori - Puso kong nabuksan

Sa pagtila ng ulan
Lungkot ay nararamdaman
Oh kay bigat nitong damdamin

Isip ay naglalakbay
'Di malaman kung saan
Patutungo itong aking buhay

Ako'y nawalay kay tagal
Sa iyo oh Maykapal
Puso ko'y buksan
At Ikaw ay manahan

Kailan kaya masisilayan pagbuhos ng ulan
Kailan makakamit pag-ibig mong walang hanggan
Kaya't ako'y nagsusumumamo
Dinggin mo ang aking dasal
Dalangin na ang puso ko'y buksan

Kay rami ng kasalanan
Kay rami kong pagkukulang
Ilang ulit Ikaw ay nasaktan


Ngunit laging nariyan ka
Habag mo ay pinadarama
Kailanma'y 'di nilisan
Ang tulad kong dukha

Nawalay man nang kay tagal
Sa iyo oh Maykapal
Puso ko'y binuksan
At ikaw ay nanahan

Ngayon ay nasilayan ang pagbuhos ng ulan
Ngayon ay nakamit pag-ibig mong walang hanggan
Kaya't ako'y nagsusumamo
Tanggapin ang aking alay
Pasasalamat ng puso kong nabuksan

Ngayon ay nasilayan ang pagbuhos ng ulan
Ngayon ay nakamit pag-ibig mong walang hanggan
Kaya't ako'y nagsusumamo
Tanggapin ang aking alay
Pasasalamat ng puso kong nabuksan

Sa'yo ako'y nagsusumamo
Tanggapin ang aking alay
Pasasalamat ng puso kong nabuksan

Lyrics licensed by LyricFind