Awra briguela - Aspin - asong pinoy

Makinig ka sakin ako ay may sasabihin
Tungkol sa isang alaga kung ituring parang bespren
S’yay laging nagbabantay pag walang tayo sa bahay
Sya ang samin ay gigising pag meron ding akyat bahay

Masaya syang kalaro kasabay namamasyal
Wag mo lang sya gagalitin naku po nananakmal
Pero pag kasama sya talagang super enjoy
Kaya wag maliitin ganyan ang asong pinoy aspin

Kahit minsan ay gusgusin wag sanang mamaltratuhin
Imbes na ito’y hamakin bigyan lagi ng pansin aspin
Wag nyo sanang uulamin wag na wag pupulutanin
Wag na wag sipa-sipain at lalong wag hampasin

Di lang sya basta alaga sya din ay maaasahan
Pag ikaw ay may kaaway sya ang unang makakalaban
At pag broken hearted ka, malungkot, nag-iisa
Sya’y biglang tatabi at dadamayan ka

Di man nagsasalita pero ang daming nagagawa
Kahit di sya komedyante puso ko’y tuwang tuwa
Lalo na kapag sya ay nangulit at naglambing
Kahit ano pa ang pagod mo ay mawawala na din aspin

Kahit minsan ay gusgusin wag sanang mamaltratuhin
Imbes na ito’y hamakin bigyan lagi ng pansin aspin
Wag nyo sanang uulamin wag na wag pupulutanin
Wag na wag sipa-sipain at lalong wag hampasin

Aspin aspin

Pero bakit ang iba sinasalbahe pa sila
Di na nga pinapakain ay nilalatayan pa
Alaga ba ang pasaway or ang among high na high
Mga walang magawa sa buhay pinagtripan ay si bantay

Sana ay maisip nyo ang pagmamaltrato nyo
Sana wag mangyari ‘to pati sa alaga nyo
May lahi man o aspin ang saktan ay wag gawin
At kung gustong mag-alaga maging responsable din aspin

Kahit minsan ay gusgusin wag sanang mamaltratuhin
Imbes na ito’y hamakin bigyan lagi ng pansin aspin
Wag nyo sanang uulamin wag na wag pupulutanin
Wag na wag sipa-sipain at lalong wag hampasin aspin

Tulad nyo at tulad naming pag-ibig ang kailangan natin
Dahil ang mga aspin ay meron ding damdamin aspin
Dapat laging iisipin may lahi man or aspin
Alagaan ng mabuti yan ang dapat na gawin aspin

Aspin aspin aspin
Aspin

Lyrics licensed by LyricFind