Musikatha - Kahulugan

Woah

Bagong sapatos at damit tanaw sa bintana'y nakasabit
Makukulay na Christmas lights nag-gagandahan Christmas tree
Quezo de bola at hamon kumpleto sa pang Noche Buena
Ganito ba talaga ang larawan ng kapaskuhan

Ang kahulugan ng kapaskuhan at ang dahilan ng pagbibigayan
Magpakailanman di malilimutan ang kahulugan ng Pasko ay Ikaw
Woah


Simbang gabi at caroling aguinaldo ang hinihiling
Bakit ba ganyan ang ating nagisnan pagsapit ng Pasko (Pasko)
Ngunit ayun sa Bibliya kay Hesus lamang makikita
Ang tunay na kahulugan ng kapaskuhan (ang tunay na)

Ang kahulugan ng kapaskuhan at ang dahilan ng pagbibigayan
Magpakailanman di malilimutan ang kahulugan ng Pasko ay Ikaw
Woah

Woah
Ang kahulugan ng kapaskuhan at ang dahilan ng pagbibigayan
Magpakailanman di malilimutan ang kahulugan ng Pasko ay Ikaw

Lyrics licensed by LyricFind