Musikatha - Ilaan mo

Oh

Ako'y mayroong isang mithing pangarap isang panalanging nais matupad
Sana bawat isa'y magbigay nang tunay na pagmamahal sa kapwa oh

Pagtulong sa mga nangangailangan
Paglingap sa lugmok at sugatan
Kung ang bawat isa'y may laan
Pag-asa ay sisilay sa kadiliman

Iabot mo ang iyong kamay
Ibigay mo ang iyong pagdamay
Ibukas mo ang puso sa kanya nagsusumamo
Ibahagi ang pag-ibig ni Kristo


Ilaan mo ang iyong buhay
Ibigay mo hanggang sukdulan
Ituon mo ang sarili sa kanyang namimighati
Ipakita ang luwalhati ng langit
Iabot mo ang iyong kamay
Pag tulong sa mga nangangailangan paglingap sa lugmok at sugatan oh
Kung ang bawat isa'y may laan pagasa ay sisilay sa kadiliman

Iabot mo ang iyong kamay
Ibigay mo ang iyong pagdamay
Ibukas mo ang puso sa kanyang nagsusumamo
Ibahagi ang pag-ibig ni Kristo oh

Ilaan mo ang iyong buhay
Ibigay mo hanggang sukdulan
Ituon mo ang sarili sa kanyang namimighati
Ipakita ang luwalhati ng langit
Kung sama-sama sa pagtulong sa iba pinagpalang buhay ay pinapangarap lang
Iabot mo ang iyong kamay (iabot mo ang iyong kamay)
Ibigay mo ang iyong pagdamay (ibigay mo ang iyong pagdamay)
Ibukas mo ang puso sa kanyang nagsusumamo (buksan mo ang puso sa pagsusumamo)
Ibahagi ang pag-ibig ni Kristo (ibahagi ang pag-ibig na ilaan mo)

Ilaan mo ang iyong buhay (ilaan mo ang iyong buhay)
Ibigay mo hanggang sukdulan
Ituon mo ang sarili sa kanyang namimighati
Ipakita ang luwalhati ng langit (ng langit)
Iabot mo (sa langit)
Ibigay mo
Ilaan mo

Lyrics licensed by LyricFind