Ogie alcasid - Ngayon at kailanman

Ngayon at kailanman
Sumpa ko'y iibigin ka
Ngayon at kailanman
Hindi ka na mag-iisa
Ngayon at kailanman
Sa hirap o ginhawa pa
Asahan may kasama ka sinta
Naroroon ako t'wina (naroroon ako)
Maaasahan mo t'wina
Ngayon at kailanman (ah)

Dahil kaya sa 'yo
Nang maitadhanang ako'y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman
Ikaw ay mapalingkuran hirang
Bakit labis kitang mahal
Pangalawa sa Maykapal (oh)
Higit sa 'king buhay (ah)

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas


Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin ay di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at di 'na gumalaw
Subalit isang araw pa matapos ang mundo'y nagunaw na
Hanggang doon magwawakas pag-ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad (tumatamis)
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas oh (bukas)

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon (ngayon at kailanman oh)
Na daig ng bawat bukas

Labis kitang mahal(ngayon at kailanman)
Tangi sa Maykapal
Ngayon at kailanman

Lyrics licensed by LyricFind