Christopher de leon - Sana ay ikaw na nga

Anong kailangan kong gawin upang malaman mo
Ikaw ay minamahal ko
Kailangan ko'y katulad mo sa buhay kong ito
Nag-iisa lang sa mundo
Dati'y nasaktan ako takot nang magtiwala
Ayoko na sanang umibig pa
Ngunit ika'y ibang-iba sa lahat ng nakilala
Sana ay ikaw na nga (sana)

Anong kailangan kong gawin upang matigil na ang kabaliwan kong ito
Sumpa ko sa sarili
Ay hinding hinding-hindi na
Ngunit heto na naman ako


Hindi na papipigil pa at di na paaawat
Sinisigaw na ang pangalan mo
Ikaw talaga'y ibang-iba sa lahat ng nakilala
Sana ay ikaw na nga (sana)

Anong kailangan kong gawin upang matigil na ang kabaliwan kong ito
Sumpa ko sa sarili
Ay hinding hinding-hindi na
Ngunit heto na naman ako

Hindi na papipigil na at di na paaawat
Sinisigaw na ang pangalan mo
Ikaw talaga'y ibang-iba sa lahat ng nakilala
Sana ay ikaw na nga (sana)
Sana ay ikaw na nga

Lyrics licensed by LyricFind