Jamie rivera - Panalangin sa pagiging bukas palad

Panginoon turuan mo akong maging bukas-palad
Turuan mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa Iyo


Na makibakang di inaalintana mga hirap na dinaranas
Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap
Ng kapalit na kaginhawaan
At di naghihintay kundi ang aking mabatid
Na ang loob Mo'y siyang sinusundan

Panginoon turuan mo akong maging bukas palad
Turuan mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa Iyo

Lyrics licensed by LyricFind