Jamie rivera - Sa harap ng panginoon

Tanggapin mo ang pag-ibig na ito
Na inaalay ko lamang sa iyo

Habang buhay kitang mamahalin at hindi magbabago
Sa hirap at ginhawa ako ay narito

Iiwanan ko ang aking ama't ina
Pagka't mula ngayon tayo ay iisa
Di kita pababayaan di ka na masasaktan
At buong puso kitang paglilingkuran

Sa harap ng Panginoon tanggapin mo ang pag-ibig ko
Sa harap ng Panginoon sinusumpa ko sa yo
Na ikaw lamang ang iibigin magpakailanman
Sa harap ng Panginoon ikaw lamang


Iiwanan ko ang aking ama't ina
Pagka't mula ngayon tayo ay iisa
Di kita pababayaan di ka na masasaktan
At buong puso kitang paglilingkuran

Sa harap ng Panginoon
Tanggapin mo ang pag-ibig ko
Sa harap ng Panginoon sinusumpa ko sayo
Na ikaw lamang ang iibigin magpakailanman
Sa harap ng Panginoon ikaw lamang

Di ka na mag-iisa
Kailanma'y di kita iiwan
Ito ang pangako ko sa Panginoon

Hmm

Lyrics licensed by LyricFind