Rachel alejandro - Paalam na

Nais ko lang malaman mo
Ang laman ng aking puso
Baka di na mabigyan ng ibang pagkakataon
Na sabihin ito sa 'yo
'Di ko ito ginusto
Na tayo'y magkalayo
Nguni't di mag-kasundo
Damdamin laging 'di magtagpo oh

Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y mag-kaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa

Sana'y huwag mong isipin na
Pag-ibig ko'y di tunay
Dahil sa 'yo lang nadama
Ang isang pag-ibig na walang kapantay
Nguni't masasaktan lang kung puso ang pagbibigyan
Kahit pa mamaalam ang siyang bulong ng isipan


Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa

Darating sa buhay mo
Pag-ibig na laan sa 'yo
At mamahalin ka niya
Nang higit sa maibibigay ko oh

Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa

Lyrics licensed by LyricFind