Jamie rivera - Sa'yo lamang

Puso ko'y binihag mo
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay
Ako'y iyo habang-buhay

Aanhin pa ang kayamanan
Luho at karangalan
Kung ika'y mapasa-akin
Lahat na nga ay kakamtin


Sa 'yo lamang ang puso ko
Sa 'yo lamang ang buhay ko
Kalinisan pagdaralita
Pagtalima'y aking sumpa

Tangan kong kalooban
Sa iyo'y ilalaan
Dahil atas ng pagsuyo
Tumalima lamang sa 'yo

Sa 'yo lamang ang puso ko
Sa 'yo lamang ang buhay ko
Kalinisan pagdaralita
Pagtalima'y aking sumpa (oh)

Writers:

Lyrics ©

Lyrics licensed by LyricFind