Kenyo - Hanggang sa muli

Hanggang sa muli
Sayong pag uwi
Di na hahayaan pang lumisan ka ulit

Bawat gabi
Nagmamadali
Isang saglit lang
Isang sandali

Mga magdamag
Biglang lumundag
Ilang pikit pa lang tapos agad

Sayong pag-alis
Ika'y hahatid
Baon mo ang yakap ko't halik

Hanggang sa muli
Sayong pag-uwi
Di na hahayaan pang lumisan ka ulit

Pilit mang itago ay
Iiyak pa rin
Ayoko mang isipin ay
Daramhin pa rin


Pusong kay bigat
Sayong paglipad
Habol tanaw sa alapaap

Sayong pag-alis
Ika'y hahatid
Baon mo ang yakap ko't halik

Hanggang sa muli
Sayong pag-uwi
Di na hahayaan pang lumisan ka ulit

Sayong pag-alis
Ika'y hahatid
Hanggang sa muli
Sayong pag-uwi

Habang pangarap mo'y
Hindi nakakamit
Titiisin ang hapdi

Habang pangarap mo'y
Hindi naaabot
Titiisin ang lungkot

Lyrics licensed by LyricFind