Ogie alcasid - Ngayon

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tama't mahusay
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka't magpunyagi
Maging aral bawat mali

Ngayon bago ito ay maging kahapon
Ang pagkakataon sana'y huwag itapon (oh)
Ikaw tulad ko rin ay may dapithapon
Baka ika'y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon (oh)

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang (sa isip lang)
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay (kay ganda ah)
Ngayon


Sa buhay mong hiram
Mahigpit man ang kapit
May bukas na sa iyo'y di na rin sasapit (di na rin sasapit)
Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas di sumapit pa
Ang naabot mo'y langit na (ah)

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang (ganda'y sa isip lang)
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
Kayganda ng buhay (kay ganda)
Bukas mo'y matibay (matibay)
Dahil ang sandiga'y (sandiga'y)
Ngayon (oh)

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang (panaginip lang)
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang (sa isip lang)
Kung bawat ngayon mo sa'yo ay laging sulit lang
Kayganda ng buhay (kay ganda ng buhay)
Bukas mo'y matibay (matibay)
Dahil ang sandiga'y ngayon ngayon ngayon

Lyrics licensed by LyricFind