Ogie alcasid - May bukas pa

Huwag damdamin ang kasawian
May bukas pa sa iyong buhay
Sisikat din ang iyong araw
Ang landas mo ay mag-iilaw

Sa daigdig ang buhay ay ganyan
Mayroong ligaya at lumbay
Maghintay at may nakalaang bukas (bukas)

May bukas pa sa iyong buhay
Tutulungan ka ng Diyos na may lalang
Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan


Sa daigdig (sa daigdig)
Ang buhay ay ganyan
Mayroong (mayroong)
Ligaya at lumbay
Maghintay (maghintay)
At may nakalaang bukas (may nakalaang bukas)

May bukas pa sa iyong buhay
Tutulungan ka ng Diyos na may lalang
Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan (mawala nang lubusan)

Ang iyong pagdaramdam (ang iyong pagdaramdam)
Idalangin mo sa Maykapal (idalangin mo sa Maykapal)
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan
May bukas pa

Lyrics licensed by LyricFind