Ogie alcasid - May minamahal

May minamahal
Bawat taong may damdamin
May minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig
At ngayo'y nagmamahalan ng tapat

'Pag nagmamahal
Bawat sandaling kasiping ka'y anong bilis
Bawat oras ay mayro'ng
Kasaysayang anong sarap anong tamis
Maligaya nga ang taong nagmamahal oh

Kaya ako'y napaligaya
Ng tunay na pagmamahal
Ang lahat ng katangian ay nasa 'yo
Ningning ng mata lambot ng labi
At ugaling walang kapintasan
Nababalot ng alindog katawang tunay

'Pag minamahal
Kulay rosas ang paligid ko sa tuwi-tuwina
Nakayakap sa ulap
Buong mundo'y nagagalak
Na mayroong nagtatalik na dal'wang pusong nagmamahal oh

Kaya't tayo'y magpasalamat
Sa ating kapalaran
Nasa atin ang kaganapang hinahanap
Ng bawat nilalang na may puso rin
Dahil tayo'y hindi magbabago hanggang may buhay


May minamahal
Bawat taong may damdamin
May minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig

Kaya't habang may pag-asa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya
Kung mayroon nang tunay na minamahal

May minamahal
Bawat taong may damdamin
May minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig

Kaya't habang may pag-asa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya
Kung mayroon nang tunay na minamahal

May minamahal

Lyrics licensed by LyricFind