Jamie rivera - Awit sa ina ng sto rosario

Minsan ang buhay ay isang awit ng galak
At mayroong liwanag na tatanglaw sa 'ting pagyapak
Minsan ang buhay ay isang awit ng luha
At siyang papawi nito ay ang pag-asa ng umaga

At kahit anong tindi ng unos at kahit anong tindi ng dilim
May isang inang nagmamatyag nagmamahal sa 'tin
Awit niya'y pag-ibig ng Diyos tawag niya'y magbalik-loob
Turo nya'y buhay na ang Diyos lamang sa ati'y nagkaloob


O Inang mahal narito kami awit awit ang Ave Maria
At dalangin ng bawat pamilya'y kapayapaa't pagkakaisa
Ang rosaryo mong hawak namin at awit awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit ng Amang mapagmahal

O Inang mahal narito kami't awit awit ang Ave maria
Sa anak mong si Jesus puso namin ay ihahandog
Ang rosario mong hawak namin at awit awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit ng Amang mapagmahal

Writers:

Lyrics ©

Lyrics licensed by LyricFind