Jamie rivera - Kuya pedro

Ang pagtulong sa kapwa'y pagmamahal sa Diyos
Ang taong tapat sa Diyos umiibig ng taos
Pananampalataya sa Ama'y binubunyi
Ganyan ang Kuya Pedro ko alagad na totoo

Di ka niya iiwan sa panahon ng pighati
Huwaran ng kabataan larawan ng katapangan
Kaibigang tunay na nag-alay ng buhay
Yan nga ang Kuya Pedro ko kaibigang totoo

Pinagpala ka Kuya Pedro
Na magturo sa buong mundo
Ng pagmamahal sa Diyos ng pag-ibig niyang lubos
Kuya Pedro kami'y turuan mo


May pag-ibig sa kapwa san man mapunta
Tumutulong sa tao di man niya ito kilala
At kapayapaan ang siyang minimithi
Siya nga ang Kuya Pedro ko kapatid na totoo

Pinagpala ka Kuya Pedro
Na magturo sa buong mundo
Ng pagmamahal sa Diyos ng pag-ibig niyang lubos
Kuya Pedro kami'y turuan mo

Pinagpala ka Kuya Pedro
Na magturo sa buong mundo
Ng pagmamahal sa Diyos ng pag-ibig niyang lubos
Kuya Pedro kami'y turuan mo
Kuya Pedro kami'y tulungan mo

Lyrics licensed by LyricFind