Gary granada - Kristong manggagawa

Manilim-nilm pa'y bumabangon na
Naghahanda patungong pabrika
Kahit ang tulog ay kulang pa
Kandila ang nakapagpahinga
Araw-araw ka sa pagawaan
Hiyang sa gutom panganib at pagod

Di makita ng pangisawaan
Kulang na kulang ang yong sahod
Manggagawa si Kristo ay isang manggagawa
Nakakaunawa kapi-kapiling ng mga dukha


Tulad mo ang ating Panginoon
Biktima ng kanyang panahon
Ngunit ang pagsubok at hikahos
Napagtagumpayan hanggang sa krus

Huwag kang mawalan ng pag-asa
Dahil ang Diyos uring masa
Tibayan mo ang iyong pakikibaka
Si Hesus laging kasama

Manggagawa si Kristo ay isang manggagawa
Nakakaunawa kapi-kapiling ng mga dukha
Kristong manggagawa
Kristong manggagawa
Kristong manggagawa
Kristong manggagawa

Writers:

Lyrics ©

Lyrics licensed by LyricFind