Ogie alcasid - Pangarap ko ang ibigin ka

Tuwing ikaw ay nariyan
Sabay kong nadarama ang kaba at ligaya
Ang 'yong tinig wari ko'y di marinig
'Pagkat namamangha 'pag kausap ka
Kaya nais kong malaman mo
Ang sinisigaw nitong aking puso

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka


Ikaw kaya ay nais din
Akong makapiling at ibigin
O kay sarap namang isipin
Na tayong dalawa ay iisang damdamin
Aking hinihiling na sabihin mo
Ang nilalaman ng 'yong puso

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka

O kay tagal ko nang naghihintay
Na sa akin ay mag-aalay
Na pag-ibig na tunay at di magwawakas
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko pangarap ko pangarap ko
Ang ibigin ka
Ang ibigin ka

Lyrics licensed by LyricFind