Christopher de leon - Pangarap ko ang ibigin ka

Tuwing ikaw ay nariyan
Sabay kong nadarama ang kaba at ligaya
Ang 'yong tinig wari ko'y di marinig
'Pagkat namamangha kapag kausap ka
Kaya nais kong malaman mo
Ang sinisigaw nitong puso (ang sinisigaw nitong aking puso)

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka (pangarap ko)

Ikaw kaya ay nais din (oh)
Akong makapiling at ibigin
O kay sarap namang isipin
Na tayong dalawa ay iisa ang damdamin
Aking hinihiling na sabihin mo
Ang nilalaman ng 'yong puso


Pangarap ko ang ibigin ka (oh)
At sa habang panahon ikaw ay makasama (oh)
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito (oh)
Pangarap ko ang ibigin ka (pangarap ko)

O kay tagal ko nang naghihintay
Na sa akin ay mag-aalay
Ng pag-ibig na tunay at di magwawakas
Pangarap ko ang ibigin ka (oh)
At sa habang panahon ikaw ay makasama (oh)
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito (oh)
Pangarap ko ang ibigin ka (pangarap ko)

Pangarap ko ang ibigin ka

Lyrics licensed by LyricFind