Ogie alcasid - Sana

Heto na naman nakatapak sa daan
Naghihintay ng dyip na aking masasakyan
Ngayo'y wala ka na sinta
Wala ng halaga
Ang ako ay mapadpad kahit saan

O heto na naman palaboy-laboy lang (heto na naman)
Mukha mo'y hinahanap sa bawat paglakbay
Kung bakit ba ang nais mo'y
Di ko pinagbigyan
Di sana ay kasama ka pa sa daan

Sana'y magkasabay sa paglakbay sana
Landas mo at landas ko ay di na nagkahiwalay
Isa lang ang ating daan
Isa rin ang patutunguhan
Kapag ang puso ang s'yang pinagbigyan


O eto na naman pagala-gala lang (heto na naman)
Nakatungtong sa bus patungo ay 'di alam
Kung bakit ba ang nais mo'y
Di ko pinagbigyan
Di sana ay kasama ka pa sa daan

Sana'y magkasabay sa paglakbay sana
Landas mo at landas ko ay di na nagkahiwalay
Isa lang ang ating daan
Isa rin ang patutunguhan
Kapag ang puso ang s'yang pinagbigyan

Sana'y magkasabay sa paglakbay sana
Landas mo at landas ko'y di na nagkahiwalay
Isa lang ang ating daan
Isa rin ang patutunguhan
Kapag puso ang s'yang pinagbigyan (sana ay magkasabay sa paglakbay oh)

Lyrics licensed by LyricFind