Ogie alcasid - Kastilyong buhangin

Minsan ang isang pangako'y maihahambing
Sa isang kastilyong buhangin
Sakdal-rupok at huwag di masaling
Guguho sa ihip ng hangin

Ang alon ng maling pagmamahal
Ang s'yang kalaban n'yang mortal
Kapag dalampasiga'y nahagkan
Ang kastilyo ay nabubuwal

Kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang sumpa
Sa minumutya sa diwa't gawa
Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas
Kahit na magsanga ng landas


Minsan dalawang puso'y nagsumpaan
Pag-ibig na walang hanggan
Sumpang kastilyong buhangin pala
Pag-ibig na pansamantala

Kaya't bago nating bigkasin ang pagsintang sumpa
Sa minumutya sa diwa't gawa
Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas
Kahit pa magsanga ng landas

Minsan dalawang puso'y nagsumpaan
Pag-ibig na walang hanggan
Sumpang kastilyong buhangin pala
Pansamantala luha ang dala
'Yan ang pag-ibig na nangyari sa atin
Gumuhong kastilyong buhangin

Lyrics licensed by LyricFind