Rachel alejandro - Ale nasa langit na ba ako

Ale
Nung isang araw nagmamaneho sa Cubao
Aking nakita babaeng saksakan ng ganda
Sinundan ko ang kotseng sinasakyan nya
Hindi ko nakitang may dumarating pala
Hindi ko naiwasan kami'y biglang nagkabanggaan

Nang magkamalay ay nasa ospital na ako
Inasikaso ng doktor na pili ng nanay ko
Biglang-bigla na lang ang nurse andyan na
At para 'kong nakita anghel sa ganda
Kahit nagdedeliryo itong nasabi ko sa kanya

Ale nasa langit na ba ako
Mama kayo po ba si San Pedro
Ok lang sa akin kung ako'y dedbol na
Basta't ikaw ang lagi kong kasama
Kaya ale nasa langit na nga ako


At paglabas ko niyaya ko na syang pakasal (niyaya ko na syang pakasal)
Tinanggihan nya at ang sabi may asawa na sya
Dinamdam kong masyado'ng sinabi nya
Hindi ko nakita hagdan ubos na
Ako ay nahulog sa semento ulo ko'y nauntog

Nang magkamalay ay naroon na naman ako (naroon na naman ako)
Inasikaso ng doktor na pili ng utol ko (doctor na pili ng utol ko)
Biglang-bigla na lang ang bagong nurse nandyan na
Tinanong ko muna sya kung may asawa na sya
Ang sabi nya'y wala ang puso ko'y biglang natuwa
At ang nasabi ko'y

Ale nasa langit na ba ako (ale nasa langit na ba ako)
Mama kayo po ba si San Pedro (kayo po ba si San Pedro)
Ok lang sa akin kung ako'y dedbol na
Basta't ikaw ang lagi kong kasama
Kaya ale nasa langit na nga ako
Ale nasa langit na ba ako (ale nasa langit na ba ako)
Oh mama kayo po ba si San Pedro (kayo po ba si San Pedro)
Ok lang sa akin kung ako'y dedbol na
Basta't ikaw ang lagi kong kasama
Kaya ale nasa langit na
Oh ale nasa langit na nga
Oh ale nasa langit na nga ako
Hmm nasa langit nasa langit na nga ako
Hmm nasa langit nasa langit oh
Ale nasa langit na nga ako

Writers:

Lyrics ©

Lyrics licensed by LyricFind