I belong to the zoo - Ingat

Kung maibabalik ko lang
Ang nakaraan
Nakalipas
At kung mababawi ko pa
Mga panahong
Ika'y kasama
Di na siguro bibitawan
Kung di naman kayang magpaalam

Wala nang magawa upang pigilan
Wala nang dahilan upang hindi pakawalan
Dala ang libo-libong alaala
Magtatapos sa isang salita
Wika ko sa iyong paglipad

Kung nakita lang noon
Ang tunay mong
Halaga
Sana'y ikaw pa rin ngayon
Ang tangi kong
Kayamanan
Di na siguro bibitawan
Kung di naman kayang magpaalam


Wala nang magawa upang pigilan
Wala nang dahilan upang hindi pakawalan
Dala ang libo-libong alaala
Magtatapos sa isang salita
Wika ko sa iyong paglipad

Paliparan
Siya'y pigilan
At kung di man
Ipagpaliban
Kanyang paglisan

Wala nang magawa upang pigilan
Wala nang dahilan upang hindi pakawalan
Dala ang libo-libong alaala
Magtatapos sa isang salita
Wika ko sa iyong paglipad
Wika ko sa iyong paglipad

Ingat

Lyrics licensed by LyricFind