Christopher de leon - Bituing walang ningning

Kung minsan ang pangarap
Habang buhay itong hinahanap
Bakit nga ba nakapagtataka
'Pag ito ay nakamtan mo na
Bakit may kulang pa

Mga bituin aking narating
Ngunit langit ko pa rin ang iyong piling
Kapag tayong dalawa'y naging isa
Kahit na ilang laksang bituin
'Di kayang pantayan ating ningning

Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal
Hayaan matakpan ang kinang na di magtatagal
Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning
Kung kapalit nito'y walang paglaho mong pagtingin


Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal
Limutin ang mapaglarong kinang ng tagumpay
Sa piling mo ngayon ako'y bituing walang ningning
Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig

Mga bituin aking narating
Ngunit langit ko pa rin ang iyong piling
Kapag tayong dalawa'y naging isa
Kahit na ilang laksang bituin
'Di kayang pantayan ating ningning

Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal (ah)
Hayaang matakpan ang kinang na di magtatagal (di magtatagal)
Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning
Kung kapalit nito'y walang paglaho mong pagtingin (walang paglaho mo)

Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal
Limutin ang mapaglarong kinang ng tagumpay
Sa piling mo ngayon ako'y bituing walang ningning
Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig
Nagkukubli sa liwanag at kislap ng ating pag-ibig

Lyrics licensed by LyricFind