Musikatha kids - Awit ng pasasalamat sa ama't ina

Kaybuti ng Panginoon
Ang tulad ko'y binigyan n'ya ng buhay na puno ng kulay
Wala na akong mahihiling
Dahil sa handog niyang walang katulad na mga magulang
Kapag ako'y nalulumbay handa akong kalingain
Kapag ako'y nagkukulang unawa ang laan sa 'kin

Salamat sa Panginoon 'pagkat binigyan n'ya ako
Ng mga magulang na lubos lubos ang pagsinta
Katulad ng pag-ibig ni Hesus sa mundong ito
Salamat oh Panginoon para sa aking ama't ina


Purihin ang Panginoon
Sa buhay ng aking mga magulang 'di s'ya nagkulang
Dahil sa kanilang buhay
Ang aral ni Hesus ay natutunan ipinamuhay
Kaya't sa aking pagtanda ang aral ay dala dala
Ang bilin ni ama't ina sa puso'y iuukit na

Salamat sa Panginoon 'pagkat binigyan n'ya ako
Ng mga magulang na lubos lubos ang pagsinta
Katulad ng pag-ibig ni Hesus sa mundong ito
Salamat oh Panginoon

Salamat sa Panginoon 'pagkat binigyan n'ya ako
Ng mga magulang na lubos lubos ang pagsinta
Katulad ng pag-ibig ni Hesus sa mundong ito
Salamat oh Panginoon para sa aking ama't ina

Lyrics licensed by LyricFind